PDU30: Mga kakayanan ni Gibo Teodoro, malaking bagay para sa Senado

17

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na pasisiglahin ni dating defense secretary Gilbert Teodoro ang senado kapag nanalo sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sabi ng Pangulo, ang experience ni Gibo sa public at private sectors ay malaking bagay para sa pagsisilbi sa mga Pilipino.

Ipinunto rin ni Pangulong Duterte ang talino at kakayanan ni Gibo pagdating sa mga batas bilang bar topnotcher noong 1989 at ang pagiging kahilim ng Department of National Defense.


Inilarawan pa ng pangulo si Gibo bilang senatorial candidate na kayang magpaunlad sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga adbokasiya na makapagsasaayos ng serbisyo ng gobyerno at pagbibigay ng trabaho at kabuhayan.

Facebook Comments