‘Peace Be with You’, mensahe ng PHISGOC sa mga pumupuna sa hosting ng Pilipinas sa SEA Games

63

“Peace be with you”

Ito ang mensahe ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman, House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga nagdududa sa matagumpay na pagdaraos ng 30th SEA Games.


Ayon kay Cayetano, nasupresa ang mga dayuhang delegado sa mga negatibong pananaw sa SEA Games.

Dapat pagtuunan ang pagdiriwang sa tagumpay ng mga atleta at pasalamatan ang mga volunteer na tumulong sa hosting duties.

Matatandaang binatikos ang PHISGOC dahil sa mga problema at aberyang naranasan ng mga dayuhang atleta pagdating pa lamang sa bansa.

Facebook Comments

From Advertisers