PECO lalong nadiin sa BMW issues sa naging paliwanag ng abogado

21

 

Lalong nagbukas ng mas maraming tanong ang tangkang pagdepensa ng Panay Electric Company(PECO) sa kinukuwestiyong pagbili ng kumpanya ng luxury car na BMW mula sa kanilang Capital Expenditure(CAPEX) na kalaunan ay ibinenta sa kanilang Pangulo nang mawalan na ng prangkisa.

Una nang lumabas sa mga pahayagan ang nadiskubreng pagbili ng PECO ng BMW 520d sedan noong 2015 mula sa Asian Carmaker Corporation na nagkakahalaga ng P5M, ang nasabing sasakyan ay binili gamit ang pera na inaprubahan ng ERC para sa pagbili ng transportation equipment sa ilalim ng CAPEX ng PECO para sa taong 2011 hanggang 2015 kaya nangangahulugan na mula ito sa consumers money.


Hindi itinaggi ng PECO ang pagbili ng BMW ngunit nilinaw ng abogado ng PECO na sina Atty Nilo Divina at Atty Estrella Elamparo mula sa Divina Law Firm na hindi consumers money ang pinambili sa sasakyan kundi binili ito sa ilalim ng administrative expenses ng kumpanya.

“The records will clearly show that said purchase was an administrative expense that was charged to PECO’s own account. Contrary to the false claims being peddled to media outlets, the said expense never became part of any of the amounts billed to consumers, as is PECO’s practice with its administrative expenditures. Therefore, it is an utter and malicious lie that the consumers were made to pay even a single centavo,” nakasaad sa paliwanag ng Divina Law Firm.

Gayunpaman, kinontra ito ng mismong grupong nagsiwalat ng anomalya sa pagbili ng luxury car, sinabi ni Halley Alcarde, general manager ng Western Visayas Transport Cooperative, na isang accountant, na ang lahat ng administrative expense ay sinisingil din sa mga consumers, ang alibi umano ng PECO ay mali dahil ang pagbili ng luxury car ay hindi maaaring ipasok bilang administrative expense.

Kung ipipilit umano ng kampo ng PECO na isang adinistrative expenses ang pinambili ng luxury car ay ang external auditor ng kumpanya ang mabubuweltahan ng kaso at maaring mabawian ng lisensya kung pinayagan nitong ipasok bilang adinistrative expenses ang pagbili ng luxury car.




“PECO is creating more problems here, If this is so, then the financial statement submitted by PECO is no longer reliable because a capital expenditure should not be part of administrative expense,” giit pa nito.
Ang WVTC at ang Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) ang unang nagsiwalat na sa kanilang pagberipika sa Land Transportation Office(LTO) ay lumilitaw na ang kinukuwestiyong BMW ay naibenta noong May 22, 2019 kay PECO President Luis Miguel Cacho.

“they have to justify to the people,they have to prove that they have not wasted consumers’ money here or else they have to answer for it, because if true, it is a clear case of a deceitful transaction which involves the money of the electric consumers.” Nauna nang pahayag ni Alcarde.

Nabatid na para sa taong 2011 ay P2,133,851 ang alokasyon para sa transportation equipment ng PECO ; 2012 ay P2,231,446; 2013 ay nasa P2,337,988; 2014 ay P2,447,289 at 2015 ay nasa P2,560,476, layon nang inaprubahang pondo na bumili ng utility vehicles na magagamit sa oeprasyon nito subalit lumitaw na sa halip na mga sasakyan na magagamit sa official function ng kumpanya ay kalahati ng pondo ay ipinambili ng luxuy car.

Ang Capital Expenditure ng mga power firms ay isinusumite at pinaaprubahan sa ERC, layon ng hakbang na ito na matiyak na ang mga economically efficient capital expenditure lamang ang syang mapopondohan para masiguro na mapoprotektahan ang public interest.

Tinuran ng WVTC na malinaw na ang pagbili ng BMW ng PECO lalo sa personal na gamit ay hindi maikokonsidera bilang economically efficient bagkus ay maituturing na pang abauso sa consumers’ money.

 

Facebook Comments