Pederalismo, Solusyon Sa Problema Ng Mga Rebelde At Moro Sa Mindanao

68

MANILA – Maituturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigo ang kanyang pagiging presidente ng Pilipinas kung hindi magtatagumpay ang peace talks sa Oslo, Norway.Ayon kay Pangulong Duterte, tanging pederalismo na uri ng pamahalaan ang solusyon para masagot ang problema ng mga rebelde gayundin ang mga Moro sa Mindanao.Giit ng pangulo, kung hindi niya magagawa ang mga inilatag na pangako ay handa niyang isuko ang pagkapangulo.Hinihikayat rin ng pangulo ang mga Moro, na isipin ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon lalo na ang kanilang mga anak at apo.Sakali aniyang hindi ito ang gamiting solusyon, mauuwi rin lang ito sa bakbakan.

Facebook Comments