Pediatric OPD ng Ospital ng Maynila, pansamantapang sarado ngayong araw

36

Inabiso ng pamunuan ng Ospital ng Maynila na sarado muna sa publiko ang Pediatrict Outpatient Department (OPD).

Dahil dito, wala muna magaganap na konsulatasyon sa nasabing departamento ng Ospital ng Maynila ngayong araw, July 27, 2022.

Nabatid na isasagawa ngayong araw sa Ospital ng Maynila ang 8th Scientific Forum na dadaluhan ng mga doktor, nurse at iba pang staff na naka-duty mismo sa Pediatric OPD.


Magsisimula ito ng alas-7:30 ng umaga hanggang Alas-6:00 ng gabi kung saan magpapatupad ng skeletal workforce ang Ospital ng Maynila sa Pediatric OPD para tugunan ang iba pang pangangailangan.

Magbabalik naman bukas, Huwebes (July 28, 2022) ang normal na operasyon ng Pediatric OPD ng Ospital ng Maynila kung kaya’t humihingi sila ng paunawa sa publiko.

Facebook Comments