Pedicab drayber, sugatan matapos mahagip ng pampasaherong bus sa Parañaque

ParaƱaque City – Sugatan ang isang pedicab driver matapos salpukin ng isang pampaseharong bus sa Roxas Blvd. North bound lane sa ParaƱaque City kagabi.

Agad na dinala sa ospital ang biktima na natutulog lamang sa kanyang pedicab kagabi nang mahagip ng isang bus na bumangga sa isang poste malapit sa gasolinahan sa airport road.

Ayon sa Ruben Adriatico, nagmamaneho ito biyaheng Buendia mula sa Las PiƱas City nang mawalan ito ng preno habang binabaybyay ang kahabaan ng Roxas Blvd.


Dahil dito ay naisipan nitong ibangga na lang sa isang poste ang bus pero hindi nito napansin na may nakaparada palang pedicab sa gilid nito na dahilan para mahagip ito.

Wala namang nasaktan sa mga pasahero ng bus.

Facebook Comments