PEDICAB DRIVER SA MANGALDAN, ISINAULI ANG MAMAHALING CELLPHONE NG PASAHERO

Sa panahon ngayon kung saan mabilis magbago ang pananaw ng ilan pagdating sa katapatan, isang pedicab driver mula sa Mangaldan, Pangasinan ang nagsilbing inspirasyon matapos niyang isauli ang mamahaling cellphone na naiwan ng kanyang pasahero.

Si Rommel Soriano, isang masipag na pedicab driver, ay hindi nagdalawang-isip na ibalik ang cellphone ng kanyang pasaherong si Ginang Fe Costes, isang senior citizen. Ayon kay Rommel, ni hindi pumasok sa isip niyang angkinin ang bagay na hindi kanya dahil sa kanyang paniniwalang dapat laging maging tapat sa kapwa.

Ang nagmamay-ari ng cellphone na nagtitinda ng relyeno, ay agad na napansin ang kabutihang-loob ni Soriano noong siya’y sumakay sa pedicab nito. Ayon sa kanya, magalang at maayos makitungo si Soriano—isang bagay na lalong napatunayan nang siya mismo ang nagsauli ng kanyang nawawalang cellphone.

Nang mapansin ni Costes na wala na ang kanyang cellphone, agad nila itong tinawagan. Dito na nakita na naiwan pala ito sa kanyang pedicab. Hindi siya nag-atubiling dalhin ito sa bahay ng matanda, na lubos ang pasasalamat sa ipinakita niyang katapatan.

Bilang pagpapahalaga, nagbigay si ang ginang ng munting pabuya kay Rommel ngunit para sa kanya , higit pa sa anumang gantimpala ang kasiyahang dulot ng pagiging matapat.

Sa isang mundo kung saan madalas nating marinig ang tungkol sa panlilinlang at pandaraya, ang simpleng pagkilos nk Rommel ay isang paalala na may mga taong pinipili pa ring gawin ang tama. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments