Pedicab driver sa Quezon City inaresto matapos makuhaan ng shabu

19

Nakakulong na ngayon ang isang pedicab  driver matapos na mahuli dahil sa pagnanakaw at makuhaan ng shabu sa Road 5 Area C Sitio Kumonoy Brgy Bagong Silangan, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District nagsasagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng QCPD Station 6 para hulihin ang suspek na si Maureen Navales 30 anyos dahil sa kaso nitong pagnanakaw.


Ngunit nang ito ay maaresto ay narekober  sa kanya ang dalawang maliit na plastic sachet ng shabu at isang unit ng cellphone na nagkakahalaga ng 3000 piso.

Kaya naman bukod sa pagnanakaw nahaharap rin ang suspek sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments

From Advertisers