Patuloy ang imbestigasyon ng Land Transportation Office sa illegal na operasyon ng pamemeke ng ilang dokumento at “non-appearance” scheme upang makakuha ng Student Permit matapos ang pagkakadakip sa isang indibidwal at paglitaw ng ilang aplikante na nabiktima ng naturang illegal na gawain.
Ayon sa tanggapan, isang indibidwal ang nadakip sa Bonuan-San Fabian Road dahil sa hinihinalang pagkakasangkot sa ‘non-appearnce’ scheme upang mapabilis ang proseso ng pag-isyu ng student Driver’s Permit at pamemeke ng national ID.
Ilang aplikante rin ang umapela sa tanggapan matapos bigong makakuha ng driver’s permit dahil sa pekeng ID at sertipiko sa driving schools na nakuha umano online.
Patuloy na tinutugis ng tanggapan ang iba pang indibidwal na posibleng sangkot sa naturang operasyon.
Paalala rin ng tanggapan ang pagsunod sa legal na hakbang upang makakuha ng lisensya at iwasang makipag-ugnayan sa mga hindi awtorisadong personnel o alok na online transaction. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣