PEKENG PERA | 2 babae, arestado sa Navotas City

54

Navotas City – Maluha-luha ang dalawang ginang, kabilang ang isang senior citizen matapos mahulihan ng mga pekeng pera sa Barangay San Roque, Navotas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Erlinda Lumida, 60-anyos at Sharon Ancheta, 45-anyos.

Inaresto ang dalawa matapos silang bumili ng isda sa tinderang si Envagelyn Orog gamit ang pekeng P1,000.

Agad na hinawakan ng tindera ang mga suspek saka tinawag ang pulis na nakadestino sa lugar.

Nang kapkapan ay nakuha pa sa mga suspek ang isang wallet na naglalaman ng mga hinihinalang pekeng bills na umaabot ng P58,000 ang halaga.

Aminado ang mga suspek sa kanilang ginawa ngunit hindi sinabi kung kanino nila ito nakuha.

Facebook Comments