PEKENG PERA | P1-M halaga, nakumpiska sa Pasig City

44

Pasig City – Nasa isang-milyong pisong halaga ng mga pekeng pera ang nakumpiska ng PNP-CIDG sa anim na miyembro ng sindikato sa Pasig City.

Arestado sa operasyon ang lider ng grupo na si Jaypee Balis alyas “Jheppy Sanday”, at mga tauhan niya na sina Aladin Akil, Satar Akil Y Mohamad, Ramil Badang, Alpha Sabar at Watari Kusay.

Ayon kay CIDG-NCR Chief Police Sr/ Supt. Wilson Asueta – bitbit ang search warrant, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang tinutuluyang bahay ng mga suspek sa Barangay Pinagbuhatan.

Bukod sa mga pekeng pera, nakuha rin sa kanila ang isang kalibre 38 revolver, mga bala at dalawang magazine ng 5.56.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulation act at illegal possession and forging bank notes ang mga suspek.

Facebook Comments