Pelikula ng Jadine na Never Not Love You, kumita na ng P92 Million

Umabot na sa P92 million ang kita ng pelikulang Never Not Love You, bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na mas kilala sa tawag na Jadine.
Ito ay matapos lamang ang labing-anim na araw ayon sa instagram post ng Viva noong April 15.
Ipinalabas ito noong Black Saturday, March 31 sa direksyon ni Antoinette Jadaone.
Ang Never Not Love You ang pinakabagong proyektong pinagbidahan ng nasabing loveteam.

Facebook Comments