Pemberton, hiniling ng Gabriela na ilipat na sa bilibid

29

Manila, Philippines – Hiniling ng Gabriela sa Kamara na ilipat na sa Bilibid si L/Cpl Joseph Scott Pemberton sa lalong madaling panahon.

Ito ay matapos na katigan ng Court of Appeals ang hatol ng lower court na guilty si Pemberton sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Dahil dito ay agad na pinalilipat nila Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas sa New Bilibid Prisons si Pemberton at ang agad na pagpapataw ng parusa para dito.

Kasabay nito ay ipinababasura din ng mga kongresista ang Visiting Forces Agreement o VFA at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Giit ng mga lady solons, dahil sa VFA at EDCA ay nabibigyan ng special treatment itong si Pemberton habang ang mga ordinaryong bilanggo sa bansa ay nahihirapan.

Dapat na anilang maibasura ang mga kasunduang ito sa US upang tuluyang bigyang daan ang independent foreign policy na isinusulong ng Pangulong Duterte.
Nation”

Facebook Comments