Penal colonies sa buong bansa, isinailalim sa red alert sa harap ng sunud-sunod na riot sa Bilibid

81

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naka-red alert na ang lahat ng penal colony sa buong bansa.

Sa harap ito ng sunud-sunod na riot ng inmates sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.


Ito ay bagama’t nanumpa na ang mga gang leader sa NBP na tatalima sila sa kapayapaan sa Bilibid.

Sa panibagong riot kahapon ng inmates sa maximum security compound, tatlo ang nasawi habang 46 ang nasugatan.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), posibleng nakadagdag sa init ng ulo ng mga preso ang anim na buwan na wala silang dalaw dahil sa pandemya.

Facebook Comments