People Power Monument sa EDSA, nilinis na

123

Puspusan na ang clean-up o paglilinis ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa People Power Monument sa EDSA.

Ito’y bilang paghahanda sa selebrasyon ng ika-35 anniversary ng EDSA People Power Revolution sa February 25.


Bitbit ang mga pampinta, muling pininturahan ang marmol na walling habang ginamitan ng pressure washer ang bricked flooring.

Ito’y upang tanggalin ang mga tumubong mga damo at kumapit na mga lumot.

Isinunod naman nilang ikinabit sa mga poste ang mga tarpaulin banner na mula sa National Historical Commission na may mensaheng “EDSA 2021: Kapayapaan, Pagbangon, Paghilom.”

Facebook Comments