Peoples’ Medical Team nagsagawa ng Operation Tuli sa Datu Odin Sinsuat

30

Abot sa 125 na mga kabataan mula sa Brgy Semba at mga kalapit Barangay nito sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao ang magkakasabay na natuli sa isinagawang Operation Tuli na pinangunahan ng Peoples Medical Team .

Lubos naman ang kasayahan ng mga kabataan matapos maka avail ng libreng tuli at napatunayang magiging ganap ng mga binata. Sinasabing abot sa 1500 hanggang 3000 pesos ang bayad sakaling magpapatuli sa mga pribadong hospital.

Maliban sa Operation Tuli , nakabiyaya rin ang 45 na mga residente ng libreng bunot ng ngipin.

Magpapatuloy naman ang pag-iikot ng Peoples Medical Team sa ibat ibang bayan ng lalawigan para magkaloob ng medical services.

PMT Pics

Facebook Comments