Pera ng mga depositors na na-debit dahil sa system glitch, tiniyak na mababalik ng BPI sa araw na ito

103

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Bank of the Philippine Islands na maibabalik sa loob ng araw na ito ang pera ng kanilang depositors na na-debit dahil sa system glitch.

Sinabi ni BPI Senior Vice President Cathy Santamaria na agad nilang natukoy ang ugat ng problema at kontrolado na nila ito.


Ayon kay Santamaria, tukoy din nila kung sinu-sino sa kanilang mga kliyente ang naapektuhan ng naging problema sa sistema.

Umapela naman sa publiko ang pamunuan ng BPI na huwag basta-basta magbibigay ng impormasyon sa mga magpapakilalang tauhan ng bangko.
DZXL558

Facebook Comments