Perfect 8 bumisita sa DXMY, Daniel Matsunaga, Juliana Palermo at Gabby Conception bisita sa Pageant Nigth

45

Inaabangan na ng mga taga Cotabato City, maging ng mga kalapit bayan ang Talent Presentation at Pageant Nigth ng Mutya ng Cotabato 2018.

Inaasahang kanya kanyang magpapakita ng kanilang unique na mga talento ang Perfect 8 sa TALENT SHOW sa June 17,2018 , 3pm sa South Seas Mall Convention Hall at bukas ito sa publiko ng libre,habang sa June 19, sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex ,ORG Compound ang Coronataion Night , magsisimula ito alas singko ng hapon at pwedeng makakabili ng ticket sa halagang 100 pesos sa City Tourism Office ayon pa ka Yoyong Acosta, Mutya 2018 Choreographer.

Kanina, bumisita ang Pefpect 8 sa himpilan ng DXMY RMN Cotabato at kanya kanyang kinilala ng mga Sentro Serbisyo Radio Anchors na sina Michael Suan at Daisy Mangod. Maliban sa Radyo, sinubaybayan rin ang mga ito sa FB LIVE ng RMN Cotabato.

Kaugnay nito inaasahang mas papasayahin at pakikiligin pa ang mga taga syudad sa Pageant Nigth ng mga celebrities na sina Daniel Matsunaga, Juliana Palermo at Gabby Conception.

Ang Mutya ng Cotabato 2018 ay isa lamang sa itinampok na aktibidad sa ika 59th na ARAW ng COTABATO sa June 20.


Facebook Comments