
Nagpapatuloy ang isinasagawang performance review ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa mga opisyal ng gobyerno.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ng pangulo na nakakatutok na sila ngayon sa mga undersecretary.
Mas magiging mahigpit aniya ang kanilang pagsusuri hindi lang sa top-level o cabinet secretaries, kundi maging sa mga nasa ilalim nito.
Ayon sa pangulo, ganitong paraan ay inaasahan ang mas mataas na pressure sa mga opisyal na patunayan ang kanilang kakayahan sa pamumuno, pagpaplano, at pagpapatupad ng mga proyekto ng administrasyon.
Samantala, nilinaw naman ni Pangulong Marcos na hindi “cabinet revamp” ang proseso dahil hindi ito “one-time, big-time” na balasahan dahil mas madalas na itong gagawin.
Lahat aniya ng gabinete isinailalim sa isang uri ng “probation” para matiyak ang mataas na kalidad sa serbisyo publiko at maabot ng bawat ahensiya at opisyal ang kanilang mga target.