Performance ng mga kasalukuyan at nagdaang cabinet members, dapat na pag-isipang mabuti —Sen. Gatchalian

Panahon na para pag-1tisipang mabuti ng mga cabinet members ang kanilang naging performance sa ilalim ng Marcos administration.

Kaugnay na rin ito ng balasahan sa hanay ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, dapat na paalalahanan na ang mga miyembro ng gabinete na ang taumbayan ang tunay na pinaglilingkuran.

Giit ni Gatchalian, lahat ng cabinet appointees, sila man ay mga baguhan o matagal nang nagsisilbi sa pamahalaan ay dapat na manguna at mamuno na may urgency at competence.

Tinukoy ng senador na pinapatay ang bansa ng red tape ng burukrasya at pinapabagal nito ang pag-unlad at pinapalala ang kabiguan sa publiko.

Sinabi pa ng mambabatas na panahon na para magserbisyo sila sa bayan ng tapat, mabilis ar epektibo tungo sa ikauunlad ng bayan.

Facebook Comments