PERJURY CASE | Not guilty plea, inihain ni dating PNP Chief Director General Purisima sa Sandiganbayan

33

Manila, Philippines – Nagpasok ng “Not Guilty Plea” si dating Philippine
National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima makaraang
basahan ng sakdal sa 2nd division ng Sandiganbayan.

Ito ay kaugnay sa kasong perjury na kinakaharap nito dahil sa hindi tamang
pagdedeklara ng Statement of Assets, Liabilities And Net Worth (SALN).

Inaprubahan din ng 2nd division ang mosyon ng retiradong heneral na
makabiyahe upang mabisita ang kanyang kaanak sa San Francisco.

Bukod dito, plano din ni Pursima na dumalo sa isang organizational meeting
sa Mississippi, sa Estados Unidos kung saan inatasan naman siya ng korte na
maghain ng P96,000.00 travel ban.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments