‘PERMIT TO CELEBRATE’ UMIIRAL NASA URBIZTONDO

18

Umiiral na ngayon sa bayan ng Urbiztondo ang pagkuha ng permit para makapagsagawa ng selebrasyon sa bayan.

Sa bisa ng executive order no.8 series of 2021 lahat ng nagnanais magsagawa ng selebrasyon sa dalawampu’t isang barangay sa bayan ay kinakailangang magsecure ng permit mangyaring makipag ugnayan lamang sa bawat barangay captain.


Layunin nito ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa bayan at upang maiwasan ang pagsasagawa ng mass gatherings na may malaking potensyal ng hawaaan.

Samantala, ilan sa mga selebrasyong kailangan ng permit ay gaya ng birthdays, reunions, picnics, despedida, pamamanhikan, binyag, kasal, blowouts at shower parties.

Facebook Comments