Person of interest sa pagpatay sa isang dalaga sa Malabon City, hawak na ng mga pulis

1669

Naaresto na ng Malabon City Police ang suspek sa pagpatay sa 29 na taong gulang na babae sa Barangay Baritan kagabi.

Kinilala ni Malabon City Chief-of-Police Col. Albert Barot ang suspek na si Jaemark Reyes.

Si Reyes ang nasa likod ng pagpatay kay Lovely Ann Villagomez.


Hinihinala rin na ginahasa ng suspek ang biktima dahil sa wala na itong saplot na pang-ibaba ng madiskubre ng mga awtoridad.

Sa isinagawang follow up operation ng mga otoridad, natunton ng mga pulis ang sinakyan nitong e-trike na nakatulong sa kanilang imbestigasyon.

Naaresto ang suspek kaninang pasado alas kwatro ng madaling araw sa Malolos, Bulacan kung saan nagtago sa kaniyang mga kamag-anak.



Naniniwala si Col. Barot na matibay ang nga ebidensya na hawak nila laban sa suspek na si Reyes gaya ng mga kuha sa CCTV maging ang salaysay ng mga nakakita sa suspek.

Kaagad naman na pinuri ni Northern Police District Acting Director Col. Ponce Rogelio Peñones ang mabilis na pagresolba sa kaso pagpatay sa biktima.


Dahil sa maagap na pag-iimbestiga sa kaso ay maituturing na nalutas na nila ang pagpatay sa biktima at pagpapanagot sa batas sa suspek.

Facebook Comments