PERSONA NON GRATA | Senator Trillanes, idinepensa ang mga pahayag niya laban sa Davao

213

Manila, Philippines – “The truth, definitely, hurts… talagang masakit ang katotohanan.”

Ito ang sagot ni Senator Antonio Trillanes IV sa ginawa ng Davao City Council na pagdeklara sa kanya bilang pesona non grata.

Ayon kay Trillanes, nakabase ang kanyang pahayag sa statistics ng Philippine National Police o PNP Davao noong December 2015 na nagsasabing ang Davao ang may pinakamataas na insidente ng patayan at ikalawa sa may pinakamataas na kaso ng pangagahasa.

Naniniwala si Trillanes na alam ito ng mamamayan ng Davao pero pinapabayaan na lang dahil sila ay natatakot.

Ayon kay Trillanes, posible din naman na pinaniniwalaan ng mga taga-Davao ang kasinungalingan na ang kanilang lugar ang pinakaligtas sa buong bansa.

Facebook Comments