Personal appearance requirement or APIR ng mga old-age and survivorship pensioners ng GSIS, maaari na sa online

Good news sa mga GSIS old-age at survivorship pensioners na hindi naka-comply para sa kanilang personal appearance o Annual Pensioners’ Information Revalidation (APIR) bago mag-March 2020.

Inihayag ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet na maaari na itong gawin online bilang parte ng kanilang service sa mga pensioners lalo na at nasa health emergency situation ang bansa.

Una nang pinalawig ng GSIS hanggang May 15, 2020 ang APIR deadline para sa pensioners na ipinanganak ng buwan ng March at April.


Para makasunod sa online APIR, ang mga pensioner ay dapat ng mag-send ng letter sa GSIS na humihiling na i-activate ang kanilang status sa email address na itinalaga sa inyong area ng GSIS.

Facebook Comments