PERSONAL COACH | Jimmy Alapag – kinuhang coach ni Asi Taulava

50

Manila, Philippines – Kinuha ni Center Asi Taulava bilang kanyang personal coach ang matalik na kaibigang si Jimmy “The Mighty Mouse” Alapag.

Ito ay bilang paghahanda sakaling mapili siya sa 12-man pool line up ng Philippine Basketball Team na sasabak sa 2018 Asian Games sa Indonesia.

Pagmamalaki ni Taulava, kaya pang gulatin ng pinag-ibayo niyang three-point shooting ang mga basketball fans.

Si Taulava ang itinuturing na pinakamatandang active PBA player na beterano na rin sa paglahok sa Asiad.

Matatandaang napabilang na ang 6-foot-9 big man sa roster ng bansa noong 2002 at 2010 Asian games.

Facebook Comments