Personal doctor ng Pangulong Marcos Jr., itinalagang FDA director general habang tatlong retired general at isang abogado itinalaga rin sa posisyon ng bagong administrasyon

233

Muling nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng mga mamumuno sa mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.

Ito ay sina Dr. Samuel Zacate na personal doctor ng pangulo na itinalaga bilang Director General ng Food and Drug Administration (FDA).

Si Zacate ay expert sa medicine and medical consultancy at naging Public Attorney’s Office ng Presidential Security Group Hospital.


Si retired BGen. Roman Felix, itinalagang Secretary ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs.

Si Felix ay retired police general nagsilbi sa iba’t ibang offices at units sa PNP.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy ‘Matikas’ Class of 1983.



Si Major General Ariel Caculitan, itinalagang Office of the Presidential Adviser on Military Affairs (OPAMA).

Si Caculitan ay top-caliber military official na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989.


Si General Isagani Nerez itinalaga bilang OPAMA Undersecretary for Police Affairs.

Siya ay abogado at miyembro ng Philippine Military Academy Maharlika Class of 1984.

Si Atty. Nesauro Firme ay itinalaga sa Judicial and Bar Council.

Si Atty. Firme ay isang law professor at practitioner.

Siya ay nagtrabaho bilang Executive Assistant sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Facebook Comments