Personalidad na sangkot sa vaccine slots for sale, may koneksiyon sa mga LGU ayon sa PNP

42

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na posibleng may koneksiyon sa Local Government Units (LGUs) ang personalidad na sangkot sa vaccine slots for sale.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay, ipinagkakalat ng sinasabing indibidwal na mayroon siyang mga kakilala sa LGUs.


Sa ngayon ay hindi pa rin pinapangalanan ng PNP ang naturang indibidwal upang hindi maapektuhan ang imbestigasyon sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kasunod nito, nagbabala rin si Olay na maaaring sampahan ng kaso ang sinumang mapapatunayang bibili ng vaccination slots lalo na’t libre naman ang mga bakunang binili ng pamahalaan.

Facebook Comments