PESO Las Piñas, bibisitahin ngayong araw ng DZXL Radyo Trabaho Team

25

Nagpapatuloy ang pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho Team sa iba’t ibang tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO) sa Metro Manila.

Ngayong Biyernes, papunta na ang Radyo Trabaho team sa lungsod ng Las Piñas at magkakaroon ng courtesy call mamayang alas-9:00 ng umaga kay PESO Manager Red Garcia.

Sa pangunguna ng ating Station Manager Buddy Oberas kasama ang ilan sa team ng Radyo Trabaho, pag-uusapan ng dalawang panig kung paano pa makakapagtulungan sa pagbibigay ng serbisyo publiko.


Taong 2019 nang unang bumisita ang Radyo Trabaho sa PESO Las Piñas at ngayon lang ulit tayo bibisita sa kanilang tanggapan simula ng pandemya.

Ito na ang ika-apat na tanggapan ng PESO na bibisitahin ng ating grupo.

Abangan pa sa mga susunod na linggo ang iba pang tanggapan ng PESO na ating kukumustahin.



Facebook Comments