PESO-Las Piñas, may handog na mini job fair ngayong araw

23

Walang makakapigil kahit bagyo o habagat pa ang humarang sa Radyo Trabaho team dahil tuloy na tuloy ngayong araw ang mini job fair ng Public Service Employment Office (PESO) Las Piñas City, katuwang ang DZXL 558 RMN Manila RT team.

Kaya ihanda na ang inyong mga resume mga Las Piñero at pumunta sa verandah area ng Robinsons Place, mamayang alas nuebe ng umaga hanggang alas-singo ng hapon.


Sa temang “Trabaho Para sa Las Piñero: Isang Tuloy-Tuloy na Serbisyo”, aabot sa tatlumpong kompanya ang makikilahok sa job fair, alok ang iba’t-ibang trabaho.

Official radio partner din ng PESO Las Piñas ang DZXL 558 RMN Manila Radyo Trabaho.

Bukod dito, may inimbitahan din silang employer para naman sa mga persons with disabilities.

May food fair caravan din para sa pagdiriwang ng nutrition month kaya may trabaho kana, busog ka pa!

Facebook Comments

From Advertisers