PESO Muntinlupa, magkakaroon ng in-house job fair ngayong araw

Magdala ng madaming resume! Dahil magkakaroon ng in-house job fair ngayong araw ang Public Employment Service Office (PESO) Muntinlupa City.

Magsisimula ito mamayang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Ground Floor Annex Building PESO Muntinlupa.

Kabilang sa mga kompanya na kanilang inimbitahan ang Bench, Savemore, Filinvest Land Inc., Ace Hardware, Holistic Approach System Inc., Insight Work Force Solutions Inc., San Roque Human Resource Corporation, Service Solutions Multi-Purpose Cooperative at Gifted Hands Manpower Services, Inc.


Para sa mga karagdagang katanungan, maaari lamang tumawag sa PESO Muntinlupa sa numerong 861-4133.

Sa mga nais na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himpilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa RT hotline: 882-2370 o magpadala ng mensahe sa RT textline: 0967-372-9014.

Sa Radyo Trabaho, walang personalan trabaho lang!

Facebook Comments