Petisyon ng mga anak ni dating Pangulong Duterte na habeas corpus sa Korte Suprema, handang sagutin ng Solicitor General

Tiniyak ng abogado ng gobyerno na sasagutin nito ang inihaing petition for hebeas corpus ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos ipag-utos kahapon ng Korte Suprema na magkomento ito sa loob ng 24 oras na walang extension.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, nakahanda ang gobyerno na ipagtanggol ang naging hakbang ng ibigay ang dating pangulo sa International Police (INTERPOL) matapos maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC).


Pero hanggang kagabi ay wala pa naman natatanggap na notice ang SolGen sa unanimously decision ng Supreme Court En Banc.

Nabatid na respondent sa naturang petisyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of the Inrerior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla at Philippine National Police (PNP) Chief General Francisco Marbil.

Facebook Comments