Petisyon ng prosekusyon na i-consolidate ang tatlong drug cases ni Sen. Leila De Lima – ibinasura ng Korte

23

Manila, Philippines – Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court branch 204 ang kahilingan ng state prosecutors na pagsamahin nalamang ang tatlong drug cases ni Sen. Leila De Lima.
Ikinatwiran ni Judge Juanita Guerrero, presiding judge ng branch 204 na wala siyang nakitang merito para pagbigyan ang kahilingan ng Dept.of Justice.
Aniya, makakapagpahaba din sa takbo ng proceedings ang consolidation sa tatlong drug cases ni De Lima.
Hindi rin aniya tamang pagsama-samahin ang tatlong kaso dahil magkakaiba ang mga akusado dito at magkakaiba ang mga insidente nakinasasangkutan ng bawat respondent.

Facebook Comments