Petsa ng 2022 Bar Examinations sa Nobyembre, inilabas ng Korte Suprema

61

Inilabas na ng Supreme Court (SC) ang petsa ng 2022 Bar Examinations sa Nobyembre.

Sa Bar bulletin No. 6, inihayag ni Associate Justice at 2022 Bar Exams Chair Alfredo Benjamin Caguioa ang pagsusulit sa Nobyembre 9 (Miyerkules), 13 (Linggo), 16 (Miyerkules) at 20 (Linggo).

Kung magkakaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari, maaaring magpatupad ang Korte Suprema ng ‘rescheduling’ ng araw ng Bar Exams.


Wala pa namang inilalabas na detalye ang SC sa venue ng pagdarausan ng pagsusulit.

Muling gagamitin ng SC ang ‘Exemplify’, isang ‘secure examination delivery program’, para sa 2022 Bar Examinations.

Magkakaroon ng ‘access’ sa naturang ‘computer-based testing software’ ang mga bar applicants, maging ‘conditional o unconditional.



Facebook Comments