Pfizer, naghain na ng EUA para sa paggamit ng COVID-19 vaccines sa mga edad 5 hanggang 11

163

Nagsumite na ng aplikasyon para Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer sa paggamit ng kanilang COVID-19 vaccines sa mga nasa edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, isinumite ito noong nakaraang linggo at kasalukuyan nang sumasailalim sa evaluation mula sa vaccine experts.

Aniya, posibleng bago matapos ang taon ay mabigyan na ang Pfizer ng EUA para sa nasabing age group.


Sa ngayon ay tanging Pfizer pa lamang ang naghain ng EUA para sa pediatric vaccination na target masimulan sa Enero ng susunod na taon.

Facebook Comments