Pfizer vaccine sa Navotas, hanggang ngayong araw na lamang

23

Paubos na ngayong araw ang bakuna na Pfizer ng Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, halos 300 na lang ang natitira para sa first dose kung saan 162 dito ay ibibigay sa mahihirap na senior citizens na walang kakayahang mag-register.


Nahanap na aniya ang mga senior citizens na ito ng mga opisyal ng barangay upang masamahan sa Navotas City Hospital kung saan isinasagawa ang pagbabakuna gamit ang Pfizer vaccine.

Para naman sa 122 pang available slots, sinabi ni Tiangco na “first come, first serve” ito o kung sino ang mga mauuna kapag binuksan ang database ng mga nagparehistro.

Mayroong 14 na slots para sa A2 at A3 priority group mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ngayong umaga; 54 slots mula alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga; at 54 slots mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.

Facebook Comments