PGH, hindi muna tatanggap ng pasyente kasunod ng nangyaring sunog sa ospital

Hindi muna tatanggap ng admission ang Philippine General Hospital (PGH) matapos na masunog ang bahagi ng gusali nito kaninang madaling araw.

Bukod dito, sarado rin muna ang emergency room (ER) ng PGH simula ngayong araw.

Wala namang nasaktan sa sunog dahil agad na nailikas ang mga pasyente sa loob nito.


Tiniyak din ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na hindi nahalo ang COVID-19 patients sa iba pang mga pasyente sa kasagsagan ng paglilikas.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments