PGH, nilinaw na wala pa silang na Admit na kaso ng COVID-19 na nahawa mula sa groceries

401

Wala pa ni isang kaso ng COVID-19 ang na-admit sa  Philippine General Hospital (PGH) na nahawa mula sa mga groceries.

Naglabas ng pahayag ng PGH sa dame ng mensahe sa Social Media na nagtatanong sa kanila hinggil dito.


Anila, ang dalawang pangunahing dahilan lamang ng pinagmulan ng Coronavirus ay kung may Travel History sa mga lugar na may Local Transmission  at Close Contact sa mga  COVID-19 Patients.

Pinayuhan ang publiko na i-verify muna ang mga Post sa Social Media at paniwalaan lamang ang mga nagmula sa Official Channels.

Kaugnay nito pinapayuhan ng PGH ang publiko na parating mapagbantay at sundin ang Social Distancing,ugaliin ang parating naghuhugas ng kamay, gumamit ng alcohol tuwing makahawak ng potentially contaminated items  tulad ng door knobs, pera, telephones, computer key boards, elevator buttons, ATM machines, grocery items at iba pa.

Iwasan din na hawakan ang mukha sa lahat ng oras.

Facebook Comments