PGI, NAGPULONG PARA SA KAUNLARAN AT KAAYUSAN NG ISABELA

Cauayan City – Nagsama-sama sa isang pagpupulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at iba’t ibang ahensya upang talakayin ang ekonomiya, kaayusan, kampanya kontra droga, at pangangalaga sa kalikasan.

Iniulat ng PSA-Isabela na lumago ng 4.6% ang ekonomiya ng lalawigan noong 2023, habang umabot naman sa 4.0% ang inflation rate noong December 2024.

Iniulat naman ng Isabela Police Provincial Office ang 30.83% pagbaba ng krimen, kabilang ang malaking pagbaba ng kaso ng panggagahasa na 76.67% at pagnanakaw na 60%.


Opisyal na ring idineklarang “insurgency-free” ang Isabela matapos bumaba sa siyam ang natitirang kasapi ng rebeldeng grupo.

Sa kampanya kontra droga, 734 barangay ang nalinis, kung saan 284 ang idineklarang drug-free.

Sa usaping pangkalikasan naman, iniulat ng Environment and Natural Resource Office ang patuloy na pagsulong ng waste management ngunit nananatiling hamon ang tamang segregasyon ng basura.

Facebook Comments