PH Arnis team – target makahakot ng hanggang 12 gold medals sa SEA Games

23

Target ng Philippine Arnis Team na makahakot ng maraming gold medal sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na mag-uumpisa sa November 30.

Ayon kay Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKF) President Senator Juan Miguel Zubiri – pressured ang mga atleta lalo at sa bansa gaganapin ang SEA Games.


Gayunman, gagawin ng team ang lahat ng kanilang makakaya para makasungkit ng hanggang 12 gintong medalya.

May 20 miyembro ang arnis team ng bansa at magsisimula ang kompetisyon sa Disyembre 1 sa Angeles University Foundation.

Samantala, isa si Zubiri sa principal author ng R.A. 9850 na nagdedeklara sa arnis bilang National Martial Art at sport sa Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers