PH Red Cross, nakapagsagawa na ng 2.8 million COVID-19 test sa buong bansa

30

Nakapagsagawa na ang Philippine Red Cross (PRC) ng 2.8 million COVID-19 test sa buong bansa.

Ayon kay PRC Biomolecular Laboratories Chief Dr. Paulyn Ubial, nasa 2,535,583 million test mula sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) swab at saliva test ang nagawa nila sa kanilang COVID-19 testing laboratories.


Ang PRC Port Area Laboratory ang nakapagtala ng pinakamaraming COVID-19 test na nasa higit isang milyon.

Pagtitiyak naman ni PRC Chairperson Senator Richard Gordon na patuloy silang tutulong sa paglaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng testing at iba pang serbisyo.

Facebook Comments