PH Red Cross, planong mag-alok ng home collection ng saliva samples para sa COVID-19 testing

35

Inaasahang mag-aalok na rin ang Philippine Red Cross ng pangongolekta ng saliva samples para sa COVID-19 testing sa mga bahay.

Nabatid na nagsasagawa na ang Red Cross ng saliva RT-PCR test mula pa nitong Enero.


Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, magiging available ang home collection ng saliva samples sa pamamagitan ng Angkas bikers para mas maraming tao ang maaaring kumuha ng test habang sila ay nasa kanilang mga bahay.

Muling iginiit ni Gordon na mura, non-invasive at accurate ang saliva test.

Mula nitong March 1, ang PRC ay nakapagsagawa na ng 24,303 saliva RT-PCR tests sa buong bansa.

Facebook Comments