PH Red Cross, target bumili ng 2 milyong COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca at Moderna

44

Sinimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pakikipagnegosasyon nito sa iba’t ibang pharmaceutical companies para sa COVID-19 vaccine procurement.

Ayon kay PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, aabot sa dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccine ang nais nilang bilhin.


Aabot sa dalawang milyong doses ng AstraZeneca ang nais nilang i-order, at 200,000 doses sa Moderna.

Muli ring iginiit ni Gordon ang kanyang proposal na ipatupad ang “Buy One, Donate One” scheme, kung saan ang mga mayroong kakayahang bumili ng bakuna ay maaari ring mag-donate sa mga hindi kaya nito.

“May mga kinakausap na kaming mga tao na can afford na magbibigay sya ng libre sa mahirap para makapagbakuna.” sabi ni Gordon.

Handa rin ang PRC na tumulong sa Department of Health (DOH) para sa pagpapatupad ng national immunization program.




Facebook Comments