PHAPi President Dr. Rustico Jimenez, pumanaw na sa edad na 72

98

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa pagpanaw ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) President Dr. Rustico Jimenez.

Sa inilabas ngayon na pahayag ng Department of Health (DOH), nakiki-isa ang kagawaran sa pagdadalamhati ng medical community sa pagpanaw ni Dr. Jimenez.

Inilarawan ng DOH si Jimenez na isang neurologist, bilang active partner at isang loyal na supporter ng sektor ng mga pribadong hospital sa bansa.

Samantala, inilarawan naman ng PHAPi si Jimenez bilang “warrior-leader”.

Si Jimenez ay presidente ng PHAPi simula pa taong 2007.

Ang DZXL–RMN Manila ay nakikiramay sa mga naulila ni Dr. Jimenez.

Ang doktor ay pumanaw kahapon sa edad na 72 dahil sa cardiac arrest.




Facebook Comments