Pharmacies, pinagagamit na rin bilang vaccination site

Inirekomenda ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ordanes sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa National Task Force (NTF) na gawin na ring vaccination sites ang mga pharmacy.

Tinukoy ni Ordanes na mabilis na nakamit ng Estados Unidos ang vaccination targets dahil sa pagsama sa pharmacies sa vaccine efforts ng kanilang gobyerno.

Naniniwala ang mambabatas na kung gagamitin ng gobyerno na lugar sa pagbabakuna ang mga mall-based outlets ng mga pharmacy chains, tiyak na mabilis na makakamit ang herd immunity habang sinasabayan ng pagbabalik ng economic activity sa mga malls.


Maaari rin aniyang isama ang mas maraming pharmacies sa vaccination sa mga susunod na taon lalo na kung maaari nang makapag-produce ng COVID-19 vaccines ang mga local factories sa bansa.

Facebook Comments