Phase 3 trials ng anti-COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech, target gawin sa limang ospital sa bansa

267

Target ng Department of Health (DOH) na isagawa sa limang ospital ang Phase 3 clinical trial ng anti-COVID-19 vaccine na gawa ng China-based Sinovac Biotech.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga ospital na ito ay ang Philippine General Hospital, San Lazaro Hospital, Manila Doctors Hospital, Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Vicente Sotto Medical Center.

Aniya, wala pang detalye ang Phase 3 ng clinical trials pero tuluy-tuloy ang pagsusumite ng final Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) at pinag-aaralan na ito ng vaccine experts panel.

Maliban dito, nakikipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa 16 na iba pang vaccine manufacturers sa buong mundo para magkaroon ng makakuha ang bansa ng anti-COVID-19 vaccine.

Facebook Comments