Phenomenal Star Maine Mendoza, nag-celebrate ng kaniyang ika-dalawang taon sa showbiz at kris aquino, tapos na sa shooting ng kaniyang Hollywood movie

Showbiz – Nag-celebrate ng kaniyang ikadalawang taon sa showbiz ang phenomenal star na si Maine Mendoza.

Ayon kay Maine, todo ang pasasalamat niya sa lahat ng mga sumusuporta sa kaniya lalo na sa loveteam nila ni Alden Richards kung saan wala pa din daw siyang pinagbago kahit na kilala na sa showbiz.

Sa loob ng dalawang taon ay marai na siyang nakasama at nakilalang mga artista at kaniya din itong pinasasalamatan lalo na sa paggabay ni Alden.


Abangan naman daw ng mga fans ng Aldub ang susunod na pelikula na kanilang ginagawa na ipapalabas ngayong taon.

*Samantala, *tapos na ang ginagawang Hollywood movie ng Queen of all Media na si Kris Aquino pero hindi na ito nagbigay ng iba pang pahayag dahil na din sa kontratang kaniyang pinirmahan.

Ikinatuwa naman ni Kris ang mga nakasama sa shooting ng pelikula na ginanap sa singapore partiklular sa director nito na siyang naggabay sa kaniya para sa ikagaganda ng pelikula.

Facebook Comments