PhilHealth-12, magpapatayo ng sariling opisina sa Koronadal City

Magkakaroon na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng sariling opisina sa Region 12 o Soccsksargen.

Ayon kay Marjorie Cabrieto, PhilHealth-12 acting Regional Vice President, matagal na silang nangungupahan pero sa ngayon matutupad na ang kanilang kagustuhan na magkaroon ng permanenteng opisina.

Ipinagkaloob aniya ng alkalde ng Koronadal ang bakanteng lupa sa Koronadal at nakapirma na sila ng deed of donation at memorandum of agreement (MOA) para ma-develop ang lugar.


2,089 square meter ang lawak ng lupa habang 200 milyong piso ang inilaang pondo para sa paggawa ng gusali.

Samantala, dagdag pa ni Cabrieto talagang sinikap nilang magkaroon ng sariling opisina para mas mapabuti ang kanilang serbisyo lalo pa at lalapit na pagpapatupad ng Universal Health Care Act.

Sa June 7 ang ground breaking ng 4 na palapag na gusali at ito ay inaasahang matatapos sa loob ng isat kalahating taon.

Facebook Comments