
Mariing tinuligsa ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kasunod ito ng isang viral social media post kaugnay sa isang bagong-panganak na sanggol na hindi pinagkalooban ng PhilHealth emergency coverage matapos makalabas ng ospital at isugod uli sa ospital sa kaparehong araw dahil sa malubhang kondisyon.
Batikos ni Herrera, anong klaseng sistema meron ang PhilHealth at hindi nito natutupad ang mandato na tulungan ang mga Pilipino na may problemang pangkalusugan.
Ipinunto pa ni Herrera, na lampas sa bilyon ang pondo ng PhilHealth subalit nakakdismaya na nabibigong mabigyan ng nararapat na benepisyo ang mga miyembro nito.
Giit ni Herrera sa mga opisyal ng PhilHealth, bumisita sa mga ospital upang malaman ang totoong nangyayari at kung ano mga sinasapit ng mga miyembro nito.