PhilHealth Chief Ricardo Morales, dapat mag-resign na lang, ayon kay Sec. Lorenzana

350

Mas makabubuti para kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales na magbitiw sa kaniyang pwesto matapos ihayag ang isyu sa kaniyang kalusugan sa gitna ng mga iregularidad sa ahensya.


Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dapat mag-resign na lamang si Morales kung may iniinda itong karamdaman.

Importanteng makapagpahinga at makapagpagaling si Morales.

Naniniwala si Lorenzana na walang kinalamang si Morales sa mga anomalya sa PhilHealth.

Maaari aniyang na-overwhelm lamang si Morales sa dami ng trabaho sa ahensya.

Personal na kilala ni Lorenzana si Morales na isang retiradong Military General.

Facebook Comments